My Testimony
Ako si Joanna , 30 yrs old.
Bata palang ako lumaki na ako na alam kong may Diyos at kilala ko siya pero ang tanong sapat ngaba na naniniwala lang ako na may Diyos?, ang lola at pamilya ko ay iba ng paniniwala, isa sa vivid memories ko nung bata ako ay binabasa ko mag isa yung "bibliya ng mga bata" hanggang sa natapos ko ito cover to cover , naging choir member ako sa catholic school namin , sa bahay araw araw kmi rorosary at novena akala ko deep faith na ang tawag doon, hanggang sa narealize ko na kung faith nga yun bakit magulo pamilya namin? Lagi nag aaway si mama at papa, nagkaron ng mga issue , nasunog ang bahay namin , nawalan ng work si papa
Nakabangon naman kami muli, binenta mga natitirang ari arian, at ako pinilit kong magtrabaho sa school pra sa libreng tuition fee nung college. Nag OFW ang aking ina at minsan nalang umuwi ang ang aking ama , kaya naging independent woman kme ng kapatid ko, at dahil din don di na kami nmsyado ngkikita kita sa bahay
Hanggang sa nagka boyfriend ako, at dun ko nakita yung akala kong love sakanya pero dahil sa takot akong maiwan pumasok sa isip ko na ang love ay kapatid ng lust, nalulong ako sa sexual immortality sin, ang tingin ko noon don ay pagmamahal na pag hindi mo binigay iiwan ka, fastforward nagkaron ako ng Christian na boyfriend ang tanong ko kay Lord kung para saken ba siya? Kasi madalas nakong nakakramdam ng konsensya sa damdamin ko bakit ko ginagawa yun, nagwowoworry nako sa kasalanan ko, ang inisip ko safe na ako this time at baka eto na ang answered prayer ko,,,,pero may plottwist....
,biglang nadiagnose ako na may PCOS,
isang hormonal disorder na nakakaapekto sa reproductive system ng kababaihan.
Akala ko aayawan nyako kse minamadali nako ng parents ko magbuntis dahil may pahintulot at urgency ng doktor , at nagpatuloy ule ako sa kasalanan pero thinking ko this time ay tama lang ito lahat dahil "kailangn ko na", nagpray ako kay Lord na bigyan nya na ako ng anak dahil ito lang daw ang pinakamadaling solusyon at para daw magamot ang aking PCOS at dapat before 30 yrs old mabuntis na. Nagpray ako ng nagpray na kahit ako na lang ang bumuhay sa magiging anak ready ako ready ako mgsettle for less.
Hangang sa isang araw biglang nag false positive ako kinabahan kame ng bf ko pareho , hanggang sa nagpatest ako ulit pero negative na at dumaan ang mga araw na biglang ayaw na niya saken. Nadepress ako ng sobra dahil dito kasabay non nakaramdamdam ako ng bullying sa office, nagtetake ako ng mga supplements at meds para sa health ko, hilong hilo nako sa paligid. hanggang sa iyak nalang ako ng iyak palagi, Hindi nako kumakain, naaalala ko yung mga negatibong sinasabi ng mga tao sa paligid ko ksabay ng problema ko, Hanggang sa nagpatong patong na lahat, gusto ko nalang mawala kasi parang hindi naman ako importante, wala akong value , feeling ko binuhay ako ng magulang ko para mag abot lang ng sahod, ni hindi ako makapag ipon parasa sarili ko, Wala naba talaga akong future?, hanggang sa sinasaktan kona ang sarili ko.
Ang naging takbuhan ko ay mga miyembro ng isang organisasyon na tinuring kong mga kaibigan ,at ako ang naging financer para lang samahan nila akong uminom at magpakalunod sa alak . sila ang naging takbuhan ko dahil sakanila ako nakaramdam ng comfort ,At dahil sa sobrang desperada kona ay inaral ko kahit ang tarrot reading, mga chants , umasa sa mga anting anting, at ibat iba pang witchcraft ang ginawa ko, Nag enjoy ako palagi umattend ng Pride month na akala ko magpapasaya saken pero sa huli malungkot parin ako,,,,
isang araw tiktok nalang ang nagpapakalma saken, kung anong malulungkot na video din about depression napapanuod ko at noong November 2022 may naligaw na video ni pastor stephen - na malayo sa algorithm ko dahil first time ko itong mapanuod hanggang sa tumahan ako at gumaan pkiramdam ko
February 2023, nagseek nanaman ako ng urgency kay Lord dahil ang mga tao ay inuurge nanaman ako.. Dumating sa point na nakarinig ako "Dapat nagpabuntis kana kahit wala kang asawa dahil importante magkaanak ka" Madaming dumaaan at nagpakilala pero hndi nagtagumpay.
April 2023 may dumating na lalaki sa buhay ko, hanggang sa naging kami at neto ko lang nalaman na Isa sya sa dati kong kabanda at katrabaho noong 2019 . Nung naging kami dumaan kami sa maraming pagsubok dahil sa aming personal struggles and battles, pareho kaming may past and ongoing trauma.
Pero Nagpepray nako kay Lord na alisin nya nalang ito dahil napapagod nako umiyak dahil ako ang napapagbuntungan nya ng masasakit na salita tulad ng pagmumura.
Hangang sa bumulong saken ang kaaway na tapusin ko nalang Ang Buhay ko para wala Ng sakit at hirap na danasin dahil sa takot ko majusge nanaman ng mga tao sa paligid ko, PERO kinakausap kopadin si Lord na tulungan Ako, . Sobrang tahimik ---nakakabingi ang katahimikan.. hangang sa nagring ang phone ko at Ang Unang sambit nya ay "itigil mo yan gngwa mo" at doon Ako nagising at binitawan ko Ang hawak ko at npatunayang kong may Diyos,, ngunit Hindi doon natapos Ang aming pagsubok nakagawa kami Ng kasalanan naging normal din sa aming ang sexual immorality
At the same year 2023, pareho kaming may trabaho at ipon , naging satisfied kami sa maka mundong buhay,
ngunit dumating sa point na pareho na kami nawalan na Ng trabaho, nagresign Ako dahil sa stress, napabayaan ang health at pati Sunday nilamon na Ako Ng trabaho.
.. pareho kameng hinumble ni God at ako lalo dahil dati gustong gusto kona mag asawa pero bnigyan nyako ng boyfriend na mas bata saken at walapang capability magcommit
Then after ko magresign July 29 2025, nagdecide kame umattend ng Christian church, naalala ko si pastor Stephen kaya umattend kami ng JIA CMNV .. Unang attend ayaw namin mag link up dahil hindi ako sanay magshare at nagmamadali kami pero kinalaunan excited nakami palagi hangang sa iniiwan na namin ng isat isa makapunta lang sa link up group namin..
At nung September 2025 nag enroll kami Ng growth track at kasabay noon Nagpa-water baptism na kami , nagattend ng Divine encounter cycle 15 , 16 at graduate nadin ng jumpstart. Nagpatuloy , Umattend ng discipleship camp , preachers academy at graduate nadin ng School of workers module 1 at ngayon ay naglilingkod nadin sa ating simbahan sa ilalim ng Iamreachy ministry.
Naniniwala akong ang Diyos ang pinakamagaling na doctor at panghahawakan ko ang pangako niya saken na magiging maganda ang kinabukasan ko kaya isa sa diko malilimutan ay nung mismong water baptism ako mismo dinatnan ako ng dalaw na hindi kona kailangan uminom ng pills, hangang sa ngayon naging regular na ang dalaw ko. Hindi tubig ang nagpaayos ng dalaw ko- kundi ang pag suko ko mismo kay Hesus.
6pm service that time iniyak ko lahat sakanya. sabi ko Lord yun napo bayun? sinusuko ko na po sayo lahat lahat naniniwala akong maganda ang Future ko dahil mahal mo ako at hindi mo ako ipapahamak. after saying that and worshipping Him, i suddenly feel the blood go through me and I cried dahil noon kelangan ko pa mag pills para magka dalaw and now- normal na ito.
Habang tinatahak ko ang pagiging kristyano ay nagcommit ako kay Lord : isinurrender ko sakanya ang buo kong pamilya at ang aking buong sarili , ayaw ko na magkasala pa muli sa Panginoon at pinangako kong paglilingkuran ko Siya habang buhay..
Jeremiah 29:11
"‘For I know the plans I have for you,’ declares the Lord, ‘plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.’"
Ngayon ko mas naintindihan na ang lahat ng nangyayari sa buhay natin ay may dahilan, at maaring kaya hindi muna saatin binigay ng Panginoon agad ang hinihingi natin dahil maaring mayroon Siyang mas magandang plano kesa sa atin, dahil
- kung noon gusto ko na magkaanak ngayon hindi ko inaasahan na may mga tatawagin na akong nak sa linkup group ko.
- At kung dati iniisip kong binuhay lang ako para magbigay ng sweldo, ngayon ang Diyos ang patuloy na nagpoprovide sa pamilya namin at naramdaman kong may magulang ako muli.
- Kung dati akala ko patapon ang buhay ko, ngayon ko mas naiintindihan ang halaga ng buhay at mas gusto kong mabuhay para mas mapalaganap si Kristo sa pamilya ko at sa iba pa.
Patuloy kong ibabahagi si kristo sa ibang tao dahil ako ay saksi kung paano nya ako binago at nirestore muli.
Dahil iba ang kilala mo si Hesus sa may relasyon ka sa Kanya. At kahit May inalis si Lord sa buhay naten ay pinalitan nya ito ng mas higit pa,
Kaya kung papapiliin ako kung dati o ngayon? Mas gusto ko yung may Kristo ako ngayon kahit wala akong pera at mas madaming pagsubok kasi ngayon mas magaan kesa sa dati sobrang bigat at walang kasiguraduhan.
Lubos akong nagpapasalamat unang una sa mga pastor sa JIA CMNV sa pagtanggap at pagsunod nyo kay Kristo , kay nanay ai, sa mgandang pamilya at delightful family kay nanay jade na naggabay saken pra mas lalo kong maggrow ang aking pananampalataya sa kanilang walang sawang pangangamusta at pagdarasal sa bawat isa at sa aking YAFA dowters na nagbibigay lakas sa akin. Lalo na ang mga volunteers sa JIA na isa sa naging daan kung bakit mas madami ang nakakapanuod at nakakaabot ng salita ng Diyos. at ang aking Iamreachy family kay nay tine at tay robin kung saan itong ministry ay isa sa nagpatatag sakin at tinulungan ako ito para mas lalo akong magpalalim sa aking pananampalatay at mapaglingkuran ang Diyos.
sabi sa Luke 1:45 “Blessed is she who has believed that the Lord would fulfill his promises to her!"
Muli ako si Joanna,
Na naniniwala na kahit anong sabihin sayo ng ibang tao, wag mong pakikingan ang due date. God’s plan not our plan. Panghawakan natin ang pangako ng Panginoon.
















.jpeg)



















