Mga Pahina

Miyerkules, Mayo 23, 2012

Sanhi ng kahirapan gobyerno o tayo? -A.M


Kahirapan ang isa sa mga mabibibgat ng problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sino nga ba ang may sanhi? Gobyerno ba o tayo? Sabi nga nila ay “Katamaran ay katumbas ng kahirapan”, tama iyon. Para sa akin ay tayo at ang gobyerno ang may kasalanan. Kaya naman naghihirap ang mga mamamayan ay dahil tamad sila, ito ang pinakadahilan ng kahirapan sa ating bansa. Sinasabi nila na wla silang trabaho, ngunit maraming nakalaan na
trabaho, mapili lng ang mga Pilipino. Pero hindi ng nmn tayo ang may kasalanan, pati na rin ang gobyerno.Dahil binubulsa nila ang mga pondo na natatanggap nila. Ang mga pondo ay para sa pagpapaunlad ng mga mahihirap at hindi para sa kanilang pansariling interes. Sapat ang sweldo ng ating mga pinuno, ang totooay sobra sobra pa ito para bumuhay ng isang pamilya, pero patuloy pa rin sila sa maling gawain. Sipag, tiyaga at serbisyong totoo ang kailangan para umunlad ang ating bansa.

 Ngunit hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa, madaming solusyon para malagpasan natin ang krisis. Kailangan lang natin ng sipag at tiyaga. At dapat ang gobyerno ay magbigay ng serbisyong totoo upang magbigyan ng trabaho ang mga walang trabaho para mabigyan nila ang kanilang pamilya sa kanilang mga pangangailangan.
Tulad ng sabi sa sanaysay, dapat tayong magtipid sa mga bagay bagay. Tama ito dahil kung magtitipid tayo, hindi agad agad mauubos ang mga pera ng mga pamilya. Dapat ay magisip muna tayo kung ano-ano ang mga ginagastos natin para maiwasan ang krisis. Lahat ng problema ay mabibigyan natin ng solusyon. Kailangan lng nating magkaisa para magtulong-tulong para umunlad ang ating bansa.


   Nabasa ko itong sanaysay na patungkol sa krisis. Ayon pa lamang sa pamagat, magkakaroon agad tayo ng ideya kung saan ito patungkol. Sa kasalukuyan ngayon, bahagi tayo ng krisis pinansyal. Nagtataasang presyo, kawalan ng trabaho, bumababang halaga ng pera, kriminalidad - ito ang mga dahilan kung bakit tayo nagdudusa sa krisis.
Ayon sa pamagat, sinasabi na ang krisis ay di biro. Hinding –hindi talaga biro ito, hindi dapat natin palalain ang krisis dahil maraming pamilya ngayon ay di na makakain ng pagkain na sapat na sustansya dahil sa kakulangan ng pera. Pano na ang mga kabataan ngayon? Paano sila lalaki ng maayos?

3 komento: