Bilang isang mag-aaral sa ika-apat na baitang sa mataas na paaralan sa St. Mary’s Academy of caloocan City ay isa sa mahirap at magpaghamon na taon. Dito mararanasan ang magiging buhay sa kolehiyo : mahirap, nakakapagod , nakaka-iyak, seryoso at halo-halong emosyon ang mararamdaman dito.
Sa mga paligsahan na aming sinalihan , wala man sa aming hilig ay aming sinalihan sapagkat sabi nga nila’y minsan lang ito sa aming buhay . Ang mga “culminating activity” na aming nasaksihan sa madaming panahon ay hindi naming malilimutan , hahanap-hanapin namin sa aming pag-alis sa aming eskwelahan.
Ang mga “club” na aming sinalihan ,ang mga bagay-bagay na aming natutunan dito ay aming dadalhin sa aming pag-alis. Ang mga nagpasakit ng aming mga ulo , ang paggawa ng mga proyekto na umaabot ng ilang araw para matapos lang ito , nakikitulog sa bahay ng kamag- aral , nakikikain sa ibang bahay dahil sa patong-patong/ tambak-tambak na gawain . Isa din ito sa naging dahilan ng pag “half-day” ng ibang estudyante dahil sa “defense ” na nagpapatayo ng balahibo naming mga estudyante. Hinding hindi naming makakalimutan ito dahil sa pag-iyak ng mga estudyante dahil sa mga mababaet na “panelist” na kulang nalang ay takutin kami ng husto sa aming pagkakamali at piping mga labi.
Sa huling page-exam na ay hindi parin tapos ang lahat may mga dapat parin kaming ipasa at punuin. Ang mga “requirements ng bawat subject” at ang paggawa ng graduation letter. Ito na nga ang pinakamalungkot na sandali sa aming pagigigng “highschool student” , An gaming mga pinagsamahan , nakakaiyak at masayang karanasan sa labas at luob ng paaralan at mabuting samahan ng mga guro at mag-aaral. Kaya sa aming pag-alis asahan ninyo na kami’y magtatagumpay sa aming mga hanggarin, ang inyong mga naituro’y aming magagamit at hindi kakalimutan dahil nandito lang sa aming puso ang lahat ng bagay na nagpasaya sa amin. Hangang sa muling pagkikita!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento