Mga Pahina

Martes, Abril 10, 2018

Ang dahilan ng luha (malayang tula para sa mga pangarap ang CPA)

Ma, Pa, ma'am , sir : Tao po
Ako'y kumakatok sa puso Nyo po
lubos na akong hirap sa bawat sem nato
bakit ba kayhirap abutin ang tuktok

Malapit napo akong sumuko
sumuko sa buhay at pangarap na ito
hindi lang pera ang nauubos
pati oras , kalusugan,kaligayahan at puso

Natanong nyo naba kung okay pa kami?
Sa sobrang paghihigpit nyo para makapasa kami
Para kaming kandilang unting unting nauupos
onting ihip nalang baka mahantong sa dextrose

May oras na ayaw na pero sayang ang naumpisahan
Pero bakit kayhirap abutin ang pangarap
Parang ito na ang unti unting papatay sakin sa hirap
Para bang lusaw na lusaw sa kaalaman

Ayoko Na Pong abutin
Masakit pero kailangangan sambitin
Ma, Pa dikona kaya pang magpanggap sainyong paningin
Dahil kahapon akoy nanalamin

Oo, nakita ko aking sarili na di na marunong ngumiti
Pagkat di na alam kung san patungo
Pinilit mo naman pero di talaga tadhana siguro
Kaya heto ako heto na tayo

Nagawa naman natin ang lahat
Halos tayo ay mapuyat at laging dilat
ginawang tubig ang kape para makasulat
Calcu lang ang laging kasama magbuklat

Pero kahit hirap ...kailangan lumaban
pagsubok malalagpasan basta ako'y suportahan
Palakasin nyo kami ng inyong pagmamahal
Busugin ng Pangaral at Paliguan ng Dasal

Kayo nalamang ang aming agimat sa laban
Kayo ang dahilan ng  di pagsuko sa ulan
Sana kami'y inyong tulungan
Dahil balang araw ako...kami ay magtatagumpay

Makikita nyo ang luha kong papatak
Sa diplomang aking hawak
at sa certificate na aking pinagpuyatan
nakaukit aking pangalan at sa dulo nito may CPA sa aming ngalan



tula ni
Joanna calayag

Kayanin mag-isa (maikling tula)

Tulala sa bawat sulok ng dingding
nakatayo at nakatingin
san ba to patungo?
kakayanin kobang tumayo?

Dikona alam kung tama paba
ipaglaban ang naumpisahan noon pa
mahirap Oo mahirap
lalo na kung ikaw lang mag isa ang humaharap

Naiisip ko nalang kung kaya mo, kaya ko
pero bakit ganon malungkot ako ngayon
pero isipin ko man maging tayo di na sila sang-ayon
pati puso't isip koy parang nagbakasyon

Kaya heto ako lalaban sinta
sa buhay na diko nakasanayang mag isa
Siguro panahon na ako naman ang magpasya
Sa bawat kilos at desisyon para sumaya

Oo! Kakayanin ko kahit mag isa
sabi nga: unahin mo muna sarili mo bago sila
matuto muna sa sarili bago mahalin ang iba
Para sa bandang huli ikaw naman ang lumigaya

- joanna calayag