PANITIKAN
- Kasaysayan ng kaluluwa ng mamamayan
- Nasasalamin ang mga layunin,damdamin,panaginip,pag-asa,hinaing at guni-guni ng mga mamamayan o
nasususlat o binabanggit sa maganda at masining na mga pahayag.
- Ilaw na walang kamatayang tumatanglaw sa kabihasnan ng tao
- Nag-iingat ng mga karanasan at tradisyon ng bawat bansa
ANO ANG TUNAY NA PANITIKAN??
Ang tunay na Panitikan ay nagpapahayag ng damdamin,panaginip, at karanasan ng sangkatauhang nasusulat sa maganda,makahulugan at masining ng mga pahayag.
ANG KAUNLARAN NG PANITIKAN ay nasasalig sa iba't ibang salik:
-Kapaligirang Panghiyograpiya
-Hilig ng tao
-Paningin sa kagandahan
-Karanasan
-Pagkamakabayan
-Pagkakaroon ng mga henyo sa pagsulat
ANYO AT URI NG PANITIKAN
*ANYO
1. TULUYAN O PROSA
-Nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap
2. PATULA
- Nasusulat sa taludturan at saknungan, maaring may sukat o tugmaan / malayang taludturan
*URI
1. PASALIN DILA
-Naisalin sa ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng tao
2.PASULAT
-Paraan ng pagsalin ng panitikan nang natutunan ng tao ang sistema ng pagsulat
**KALAGAYAN NG PANITIKAN
A. KLIMA
Malaki ang nagagwa ng init o lamig, bagyo o unos, baha at ulan sa isipan at damdamin ng tao.
B. HANAPBUHAY AT TUNGKULIN
Ang mga salita at pahayag sa panitikan ay kaugnayan ng hanapbuhay ng mga mamamayan
C. POOK
Ang hiyograpiya ay mali ang magagandang tanawin, mabundok , madagat, sagana sa bukirin at mga halaman na syang magiging laman ng panitikan ng nga taong doo'y naninirahan
D. LIPUNAN AT POLITIKA
Ang sistema ng pamahalaan, ang ideolohiya at ugaling panlipunan gayon din ang kultura ng mga tao ay nasasalamin sa panitikan ng bansa
E. EDUKASYON AT PANANAMPALATAYA
Kung busog na ang isipan dala ng edikasyon, dala ito ng malawak na edukasyon, natutuhan ang mga ito'y mababakas sa panitikan ng lahi. Gayon din naman ang pananampalataya, ito'y laging pinapaksa ng mga kilalang manunulat
LAYUNIN
1. Upang matanto natin ang kalinangang Pilipino, ang henyo ng ating lahi at ang minanang yaman ng kaisipan.
2. Upang alaming tayo'y may marangal na tradisyonng katulad ng sa ibang lahi
3. Upang matalos ang mga kapintasan at kakulanagan ng ating panitikan at mapagaralang ito'y matuwid
4. Upang makilala ang taing kahusayan sa panitikan
5.Tayo'y magmalasakit at tumangkilik sa sariling atin
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento