Ang FILIPINO ay nahahati sa dalawang bahagi: Panitikan at Wika.
PANITIKAN –
Ang Panitikan (Literature) ay may layuning makapag-iwan ng gintong aral o mensahe matapos itong mabasa ng isang taong mambabasa. Isang mensaheng pupukaw sa damdamin, kaisipan at Gawain ng isang taong bumabasa ng akda, na ang mensaheng ito’y magsisilbing gabay tungo sa pag-unlad, pagpapabuti, pagbabagong – buhay o pag-unawa sa tama at mali.
Ito ang mga maikling kwento, alamat, pabula, parabola, anekdota, sanaysay, tula tugma, talumpati, talambuhay, nobela, mitolohiya, at iba pang akda na nasusulat sa ating sariling wika. Ang mga akdang ito ay maaaring batay o hango sa ating kasaysayan, kabihasnan, tradisyon o kaugalian, kalikasan o kapaligiran at ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyang panahon.
WIKA –
Ito ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na inaayos sa paraang arbitraryo
Layunin ng guro na maging mahusay ang mga mag-aaral sa pakikipagtalastasan hindi lamang sa pagsasalita, gayundin sa pagsulat. Sinisikap na makabuo ang mga tinuturuan ng mga makabuluhang pangungusap, talata, dayalogo o usapan, panawagan, patalastas, iba’t ibang uri ng liham, balita, anunsiyo, editorial, kwento, tula, tugma, sanaysay at talumpati.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento