Mga Pahina

Biyernes, Mayo 19, 2017

Affordable na Bakasyunan |Pool| Teambuilding Place

Punta de Fabian
 baras, rizal

Kung gusto nyo ng mura at affordable at di nyo kaya magbayad ng private resort
I recommend this resort kasi hindi sya masyado puntahin ng tao kaya para kangang nasa private resort,

Paano pumunta don simula monumento? At magkano?

Monumento - mrt North ave bus - 12php (baba kang mrt mismo)
Mrt sakay ka pa shaw - 21 php
Pagkababa nyo sakay kayo fx tas sabhn nyo BARAS rizal po sa Punta de fabian- 70php

Merong ilang fx na nagbababa mismo sa resort meron namang ayaw kaya pilitin nyo nalang

Tapos pagkababa nyo dun mismo sa taoat ng gate muka syang gate lang ng bahay pero paakyat kasi yun may susundo sa inyong sasakyan
Pero sabi ng isang blogger bago kami pumunta bawal daw food kaya mag checheck daw ng bag pero nung pumunta kami hindi naman chineck :( sayang di kame nakapag dala ng Food! Pero nagtago tlga kami ng ilang chips at burger sa bag haha! *wise*

Entrance fee pala 350php

So ayun para kayong nakasakay sa rides sa bilis ng pagdrive ni kuya paitaas ng Resort

Eto yung unang pool malapit sa magandang view sa rizal





















^ yung nasa bandang right yung long table pang team building or lunch meeting etc.


Eto yung tinatawag nilang infinity pool
Pangalawang pool




Pwede rin kayo umorder ng food sakanila kaso diko nakuhanan mga menu








Sulit naman sya with friends lalo na kung kelangan mo ng inner peace haha. Charot pero eto yung placena gusto mo hanapin sarili mo or mag muni muni sa sobrang tahimik. 









Old Coins for sale (Philippines)

Pagkahawak ko neto eto agad naisip ko
"Saan kaya pwede magbenta ng Old coins?"

My collections of Coins
Old | New | Foreign | Local Coins























Lunes, Abril 24, 2017

Girlfriend mo pa ba ako?| tagalog poem |unspoken poetry


Hi, ako nga pala yung girlfriend mo?
Yung niligawan mo noon
At sabing mong crush na crush moko
Kamusta na tayo?
Ganun padin ba saken?
Kasi ako oo
Pero bakit?

Bakit ngayon bawat kwento ko
"Ah" "oh" "weh" "bahala kayo jan"
Ang sinasabi mo?
Kasi kung mahal moko
May pake ka
Matuto kang magpayo saakin
Di moko tropa
Para ganyan ang ireply mo sa bawat kwento ko
Sayo sa araw araw at sa problema ko

Bakit? Bakit anong nangyari
At tila nag iba ang ihip?
Biglang lumamig sa paligid
At biglang may sumagi sa isip

Bakit? Ayaw monaba saakin?
Abala kanaba sa iba?
O tila nagsasawa kana sa anong meron tayo

Kasi ako nag aantay lang sayo
At nag aantay parin
Na maaring sana sa pagkikita naten
Ikaw naman ang magkwento
Ikaw naman ang magsabi saken ng nagyari sayo
Kasi kapag ako lagi ang nagtatanong tingin moy naghihinala ako
Maari bang ikaw naman?

Magkwento kanaman! Ng tungkol sayo
Sa opisina mo,
Ginawa nyo,
O di kaya ay sa bago mo
..Bago mong nagugustuhan

Meron ba?
Makinis ba sya?
Maganda?
Maputi?
Tanggapin ko kahit ano
Umamin kalang saken
Kahit crush molang sya Okay lang
Aminin mona na..
Tinatamad kanang Akoy iyong kausapin
At sa iba'y nakatuon na ang paningin

Bakit?
Bakit biglang ganto?
Estudyante ako at ika'y kumakayod
Maaring ganon nga kapag nagtatrabaho
Maraming nakikita
di man ibigkas
Pag babae ang kinutuban
Siguradong tapos ang maliligaya mong araw.

Pero tandaan lamang
Na wag pigilan ang tao
Sa kung anong gusto nya sa buhay
Luwagan ang tali at pakawalan
Pagkat sa panahong ito
Ilan lamang ang handang mapasaiyo
Sa umpisa hanggang sa huli.

Miss na kita | spoken poetry

Miss kita
Oo miss kita
Sabik na sabik ako saiyo
Sa mga yakap at haplos mo
Sa bawat tinig na sinasambit mo Ang ngalan ko

Miss kita
Kahit noon pa, miss kita
Diko pwedeng sabihin kasi ayoko na
Ayoko na na laging ako yung nag iisip
Yung laging ako yung nagsasabi ng gagawin mo


Miss kita
Sana alam mo kahit diko sabhin
Kahit puro goodmorning ang text ko sayo
At wala ng kamusta ka kumain kanaba?
Maisip mong miss kita

Kasi sating dalawa
Ako yung nangungulila sayo
Ako yung nag aantay lagi sayo
Ikaw , masaya ka sa sarili mo
Sa nakukuha mo, ako wala pang nararating sa buhay
Kung kelan kailangan ko ng karamay sa problema ko
Nasaan k?

Miss kita
Nung panahong malambing ka saakin
Na ako lang at wala ng iba
Na sa mata mo ako yung prinsesa
Yung ako ang iyong inuuna

Miss kona yung lumang ikaw
Yung bawat kwento ko
Pinapakinggan mo kahit dimo trip,
Tinatawanan mo kahit korni..

Yung tatawag ka sa gabi
Para lang kantahan ako
Kahit sintunado boses mo
Inaabot pa tayo ng alas dose kakatext
Sa haba ng kwentuhan naten
Pero ngayon nag iba na

Mag gugoodmorning ako sayo, ganun kadin saken
"Breakfast kana"
Lunch kana"
Dinner kana"
"Uwi nako" "ingat ka"
"Pahinga kana."
At sa huli "sleep na us"
Diba? Ganon na tayo ngayon ?
Ngayon na kung saan lahat may format

Nasaan na ang noong ikaw?
Ikaw na nanjan kapag kailangan ko ng kausap
Miss na kita alam moba?
Di naman kapag sinabi kong miss na kita
Rereplyan moko ng imissyoutoo
Di nababawi sa salita ang lahat
Ng nararamdaman ko
Kahit dalan moko ng pagkain
O pumunta ka saamin tapos maglalaro kalang
Sa tablet mong puti

Miss na kita
Pero sana naman makiramdam ka
Mag effort ka kapag sinabi kong
Miss na kita.
Kasi ang salitang miss na kita
Nirereplyan ng gawa
Hindi lang puro salita

-joanna calayag


Biyernes, Pebrero 10, 2017

How did i remove my pimples?

Paano ko naalis ang pimples ko or paano nawala yung tiniris kong pimples sa ilong na nag or magiiwan ng bakas dahil nagkaron ng butas or hole sa GITNA MISMO ng ilong ko.

my pimple story

Okay bes eto mga forts day nag BIODERM LANG AKES binibili kong ointment sya sa mercury may 21php or 34php non depende sa size and mainit sya sa muka ksi parang menthol ganon tas papahid mo lang sya overnight and ayan si bioderm lalang muna karamay ko

 ooooops!!! wait PASINTABI SA MGA KMAKAIN HAHAHAHA 😂 charing! 😂😂
O ganyan kalusog si pimples ko sa pisnge ayoko picturan ung sa ilong ko dahil pinutok ko sya OO BES PINUTOK KO SAD NU ksi natakot ako baka mag mark sa ilong ko

Next dah panay pahid si bes mo pati sa ilong 



GO BABAD EVERYNIGHT YAN


The next day pagkagising ko bes ayan nagdiet si pimples pumayat mejo diba HOHO 😎😎 DI NA sya pak na pak


So eto mag iinarte ang lola nyo

Ayan nawala na mejo redn3ss nya kinabukasan dahil naligo na me 😂 fresh na fresh kaka hilamos ko


 So ayan resulta nya dahil 3 days palang Hahah kitang kita sa ilong ko bes nangitim yung pinutok ko huhu diba nabutas yan e may hole sa ilong ng lola nyo at 3 pa silang pimples ha! 🤔


So eto bes gumamit ako ng MIA CARE tinakpannko NAG MGA DAPAT TAKPAN! Ang mga dapat itago bes kahit mejo parang translucent si pimples atlis naman natakpan yung darkness nya 

Ayan bes kita mo? Didference ng meron sa wala kanina
 👇👇👇👇👇


For 230 ang 2 pack nya sa loob na may Night and day na pandikit for pimples
9 pcs ang laman nya bes sa isang day or night na package
ANO BA NAGAGAWA NG Mia care
???

(Hindi po ito sponsor ng Mia care .. ggusto kolang makatulong sa mga delikado na nagtitipid kapag natiris na nila tigyawat nila or kung gsto nila itago mawala ng safe)

So ayun nga pag nilagay mo sya sa spot na may pimples ka parang narerejuv si skin CHAR.. de seryoso sinsipsip nya pa ung mga natira mong mga laman laman *excuse sa word pero walako maisip na term*
So yun sinsiipsip nya then overnight yun bes ha! Tas kinabukasan makikita mo oag niremove mo yun sa face mo nasipsip nya may white something sa Mia care mo at makikita mo na yun ung mga pimples mo na sinsipsip nya so after non sympre palitan mo ng bago after mo linisin ulit si face mo
Hanggan sa malesswn yung pinples mo at magfade sya
At dun din nawala yung butas sa ilong ko na parang napunan nya ng pagmamahal ksi nagclose yung porea. Yung uka ba 😀 

Ayan pang 2weeks kona at mejo nagfade na sya

Tas CHARAAAAAAN wala nakooong bakas until now haha pero oag napupuyat ako mia care lang gamit ko at bioderm cr3peam kapag sa bahay lang at umqga tas pag mattlog mia cream pero pag aalis ng morning may mia care ako sa muka para masipsip at mahide nadin ang dapat i hide 😜

👻
Follow me on fb/ig/twitter if may tanong kayo