Mga Pahina

Lunes, Abril 24, 2017

Girlfriend mo pa ba ako?| tagalog poem |unspoken poetry


Hi, ako nga pala yung girlfriend mo?
Yung niligawan mo noon
At sabing mong crush na crush moko
Kamusta na tayo?
Ganun padin ba saken?
Kasi ako oo
Pero bakit?

Bakit ngayon bawat kwento ko
"Ah" "oh" "weh" "bahala kayo jan"
Ang sinasabi mo?
Kasi kung mahal moko
May pake ka
Matuto kang magpayo saakin
Di moko tropa
Para ganyan ang ireply mo sa bawat kwento ko
Sayo sa araw araw at sa problema ko

Bakit? Bakit anong nangyari
At tila nag iba ang ihip?
Biglang lumamig sa paligid
At biglang may sumagi sa isip

Bakit? Ayaw monaba saakin?
Abala kanaba sa iba?
O tila nagsasawa kana sa anong meron tayo

Kasi ako nag aantay lang sayo
At nag aantay parin
Na maaring sana sa pagkikita naten
Ikaw naman ang magkwento
Ikaw naman ang magsabi saken ng nagyari sayo
Kasi kapag ako lagi ang nagtatanong tingin moy naghihinala ako
Maari bang ikaw naman?

Magkwento kanaman! Ng tungkol sayo
Sa opisina mo,
Ginawa nyo,
O di kaya ay sa bago mo
..Bago mong nagugustuhan

Meron ba?
Makinis ba sya?
Maganda?
Maputi?
Tanggapin ko kahit ano
Umamin kalang saken
Kahit crush molang sya Okay lang
Aminin mona na..
Tinatamad kanang Akoy iyong kausapin
At sa iba'y nakatuon na ang paningin

Bakit?
Bakit biglang ganto?
Estudyante ako at ika'y kumakayod
Maaring ganon nga kapag nagtatrabaho
Maraming nakikita
di man ibigkas
Pag babae ang kinutuban
Siguradong tapos ang maliligaya mong araw.

Pero tandaan lamang
Na wag pigilan ang tao
Sa kung anong gusto nya sa buhay
Luwagan ang tali at pakawalan
Pagkat sa panahong ito
Ilan lamang ang handang mapasaiyo
Sa umpisa hanggang sa huli.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento