Mga Pahina

Martes, Marso 20, 2018

Kaya Paba natin to? (Malayang Taludturan)


Heto nanaman tayo
sa araw araw nating tanong
sa kung sino
ano at kailan

Minsan naisip ko kung kaya paba
kaya paba natin to?
O pinipilit nalang kasi sayang yung tayo?
Sa apat na taon naging tayo
Naging masaya ako totoo
Pero di lahat ng relasyon perpekto
mas madalas ang sakit at kirot
na para bang sarili ko lang ang nagpapahilom

Ni dimo ninais na ayusin ang gulo
Dinadaan mo nalang lagi sa pagtulog
Ganyan ba ang gusto mong relasyon?
Ang ninanais mo lang ang gusto mong masunod?
Di ako aso na uto uto
Umiyak ako ng minsan mo akong murahin
Ang sabi mo'y ganon lang talaga ang yong sambitin

tinanggap koyun kahit masakit
Dahil di ako pinalaking ganon sa amin
Kahit sabi mo'y sobra lang akong maramdamin
Tingin mo pag iba ang yong murahin okey lang rin sa damdamin?

Mahal, may mga kaibigan ako
nais kong kausapin at ngitian mo sila
Pero labag sa loob mo pagkat di mo sila kilala

Pag ika'y nasa amin lagi kong tinatawag ang mga bata
Nagalit ka kasi ginagawa kitang taga karga
Di mo alam hinahanap ka naman talaga nila

Minsan nagpasundo kami sayo ng pamilya ko
pagka't wala kaming masakyan kako
ang tahimik mo magmaneho
yun pala ang sabi mo ginagawa kitang drayber

diba kapag tayo na ang nagisang dibdib lahat ng iyo ay akin
matuwa ka at maayos ang pamilya ko sa iyo
ngunit bakit parang labag sa loob mo ito?

Minsan nautusan ka namin ng mama ko
Sumagot ka ng pasigaw pagkat ayaw mo
Kaya pala banta mo sakin mahanap ako ng iba ko
kung under lang ako hahanapin ko
Pagkat ang gusto mo ikaw ang boss ko

Wala akong pinilit sa lahat
Gusto mo lang ang tinanggap ko ng maluwag
Oo nabibigay mo lahat
pagkain, panggala at iba pa
per tingin moba sapat na yon para sumaya?

Naisip moba kung san ako masaya?
kaya morin bang tanggapin ang desisyon ko mag isa?
Hindi naman kita a-underin gusto kolang tawagin mokong commander
Di kita pinilipit kaibiganin sila gusto kolang matuto kang makisama
di kita Pinilit sunduin ako o kami ang gusto kolang maging parte ka ng pamilya
Di sa ginagawa kitang taga karga ang nais kolang matuwa sayo ang mga bata

Simple lang naman kaya moba?
Di ako naghahangad ng iba pa
Tingin mo ba kaya paba?
Ang tayo na masaya?
Kasi pagod nakong tanggapin pa
Na ako lang lagi ang umuunawa


- Joanna Calayag

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento