Mga Pahina

Sabado, Marso 17, 2018

Magkaibigan parin (Maikling tula)

- ni joanna calayag


Bakit ba ganito ang  usapan natin
Birubiruan na ngalang ba ito
O totohanan na ang mga banatan natin?
Para bang tayo'y nagbibitawan ng salitang naayon talaga sa damdamin
Pero ayaw lamang kumpirmahin dahil takot manligaw sa akin

Tuwing ikay aking nakakausap
Dilang mabulaklak na salita aking natatangap
Pati mga asarang walang pakundangan
Maitawid lamang ang usapan
Hanggang sa tayoy magkatulugan

Magkatulugan man pero kinabukasan ikay paring kausap
Walang hinto ang daldalan, at ang mga  banatan
Hangang sa dimo alam totoo na aking nararamdaman
"Gusto moba ako? Sabay biro lang" pati kasi ako takot na
Takot ng malaman mo ang totoo baka kasi tayo'y magkalayo

Ewan koba kung ano ba tayo
Basta ang alam ko'y masaya ako
Masaya sa bawat sandali na tayoy magkausap
Di lang masaya kundi sobrang saya
Tila ba akoy tuluyang nahulog na

Ngunit kung itong nararamdaman koy akin pinairal
Pagkakaibigan natin masisira't tayo'y magkakawalay
Dahil baka sa pagkahulog , akoy iyong sisihin
Wag naman sana dahil alam kong dimoko kayang saluhin
At Tanggap kona na sa huli tayo ay magkaibigang parin


** Para sa mga Kaklase at kaibigan kong pine-friendzone
Ganon talaga ang buhay "weather weather lang"hahaha

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento