Mga Pahina

Sabado, Marso 17, 2018

Suko na


Ako ang babaeng naniniwala sa mga mabubulaklak na salita
Namamangha sa mga bagay na kanilang pinapakita
Bawat aksyon para sakin ay kagilas gilas
Ngunit magkaron lamang ng away ako ay pumipiglas
Oo, Gusto konang pumiglas sa pekeng kasiyahan
Mga away  na di lamang pang isang araw
Kundi ginawa nang umagahan tanghalian at hapunan
Pero nagkakabati lamang kapag naglalambingan
Pero sa normal na araw bakit walang imikan?
Walang kwentuhan? Sino kananga ba ulit?
Bakit ka nandito?
Ano tayo?


Ah ako ngapala ang kasintahan mo
Na kasama molang kapag kailangan mo
At kapag  busy ka sa ibang bagay napakadaling maichipwera mo
Kaya pala kahit special na araw natin sila ang ang kasama mo
Nasa inuman ka at ako'y nag aantay sayo
At ang bigkas mo'y
 "bakit kelangan pa magkita at ipagdiwang kung araw araw naman ay special"
Ako naman parang isang aso na sunod sa mga winika nyang salita
Tilaba akoy nahipan nananamn ng hangin at napagtanto na
Wag akong magreklamo pagkat sya ay tama
Kayapala dolang isang beses kundi dalwang beses monang pinagdiwang kasama sila

Araw ng mga puso o araw ng mga pusong umaasa
Kalimitang diniriwang na may bigayan ng bulaklak at kung ano pa
Natatandaan moba na nakuha moko di lang sa mabulaklak mong salita
Kundi literal dinaan moko sa pagbibigay mo ng bulaklak
Pero ngayon wika mo nalamang " bakit kita bibigyan hindi nakakabusog ang bulaklak"
At tila ako nanaman ay naihip ng hangin na bumulong at nagwika
Wag akong demanding pagkat iyan ay masama

Lumipas ang mga taon
Nakaya mokong umuwi ng luhaan mag isa
Nakaya mong tulugan ang mga gabi na magkaaway tayong dalawa
Nakaya mong isipin na lahat ng sinasabi ko sayo ay di mahalaga
Pagkat panatag ka na di ako kakawala
Tao ako nakakaramdam ng sakit at kirot at baka mamaya
Dimo namalayang ayoko na pala


Sa relasyon nyong nasimula sa magandang usapan
Paunti ng paunti wala nakayong mapagkwentuhan
Ilang taon naba kayo?
Kila moparin ba sya?
Sya parin ba yan o nagbago na?
Nawala na ang dating suyuan
At nauwi sa hindi magandang usapan
Sa huli magsasawa ka nalang
Ayoko na
Sawa na ako
Suko na tayo

-ni joanna calayag

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento