Mga Pahina

Linggo, Abril 1, 2012

(Maikling kwento) : First and Last


Sabi nila ang buwan ng Pebrero ay buwan ng mga puso. Paano nga natin masasabi na buwan ito ng mga puso? Dahil ang Buwan ng mga Puso ay ipinagdiriwang tuwing ika-14 ng Pebrero ito ay kung saan isa sa mga gawain ng mga magkasintahan ay namamasyal o umaalis sa kani-kanilang bahay Masasabi din natin na buwan ito ng mga taong malapit na ding magkatuluyan at hindi ito para sa mga taong kuripot.

May isa akong mag-aaral na sobrang nakakakilig ang kanilang istorya pangalanan nating si Budoy at Buday (iyan na din ang tawagan nila sa klase). Ayon sa ilan sa kanilang mga kaibigan ay ay first love daw ni Buday ay si Budoy pero nang magkalaunan ay medyo lumabo at nagkaroon ng iba, at nagkaroon din ng iba si Budoy. Napaka- babaero daw nitong si Budoy ayon sa iba. Pero sabi naman ng mga lalaki kahit maglaway man daw sila sa ibang babae iisa lang naman ang babaeng seseryosohin nila. Ayon na din ang sinabi ni budoy. Nang makatuntong sila sa mataas na paaralan iba’t – ibang tao ang kanilang nakasalamuha. Iba’t ibang pag-ibig ang dumating nang sila’y malapit nang magtapos ay nagging magkasintahan ang dalwa pero bago sila maging magkasintahan itong si budoy ay dumaan sa mahabang proseso para suyuin ulit itong si buday na pakipot. Nang naging magkaklase ang dalawa ay hindi na maipigilan ni budoy na may pagtatangi pa rin sya kay buday kaya agad-agad nyang sinabi iyon peros a harapan ng klase nya sinabi at halos di magkahumayaw ang mga mag-aaral sabunutan doon, sampalan at tulakan dito. At agad na nakuha ni budoy ang pagpayag ni Buday na ligawan sya. Nang tumagal tagal na ay naisipan ni Budoy na surpresahin si Buday kinuntsaba pa nya an gaming guro. Kunwari ay pagagalitan ng aming guro sina Buday dahil hindi sila nakapagpasa ng proyekto at pinalabas sila sa klase at duon na nagsimula ang lahat . Pinaupo sila Buday sa gitna ng nakapiring ang mata at sabay pinatanggal ito unang bumungad sa kanya ang aming mga kamag-aral na mga lalaking may hawak ng lobo at nakasulat ang bawat titik na –I-L-O-V-E-Y-O- at huling nag salita si budoy ng “U” nagtalunan na naman nag mga babae at halos sila pa yung kinikilig . Iniabot ni budoy ang bulaklak kay buday at ang sabi niya “Hindi naman ako nagmamadali eh ayos na sakin ng 6 na buwan—hindi pala *pabulong* basta alam mo naming mahal kita eh” sak inabot ang Cake at pumunta sa harapan at binasa ang mga banat nya kay Buday. ISang linyang hindi ko makalimutan ang “ MANI KABA? – pero hindi alam ni budoy ang sunod.

Ang istorya ng dalawa ay patuloy na sinusubaybayan ng buong klase hanggang sa maging sila at sanay sila na nga hanggang pagtanda. Totoo nga daw ang “First and Last”

Ipagtanggol mo Bayan mo



Luzon, Visayas, Mindanao
Tatlong pulong kay gandang matanaw
Pinapaligiran ng karagatan
Ang perlas ng silanganan

Kay daming yaman ang naririto
Ngunit iilang lang ang may alam nito
Kung sino pa ang nakakalam
Sila pa ang nangwawasak dito

Kaydaming dayuhan ang pumasok
Karamihan gustong manghimasok
Dahil kay dami nating isla
At lahat sila’y gusting makitira

Ayan tuloy ako’y nag-aalala
Mga mananakop kayamanan ang punterya
Kaya pati inosenteng Pilipino’t Pilipina
Inaalipin o pinapatay sa ating bansa

Ngunit di nagtagal kami’y nakalaya
Mga Pilipino’y natauhan!
Salamat sa mga bayaning nakipaglaban
Ngayon ito’y amin ipagtatanggol sa lahat ng kaaway.

Ang lapis at ang krayola (dioselle teng)




Ang lapis at krayola
Mga gamit mo sa silula
Hanggang pagtanda,
Iyong dala dala

Mula sa lapis at krayola
Makakagawa ng himala
Simpleng papel magagawan ng hiwaga
Sa lapis at krayola doon magmumula

Ang lapis na iyong panulat
Na ginagamit ng lahat
Na kahit ang salat
Ay makakagamit upang sumulat

Ang mga krayolang makukulay
Na siya mismong nagbibigay kulay
Sa mga larawang walang buhay
Nagbibigay kulay rin pati sa patay

Dalawang maliit na bagay
Na kung wala, ang mundo’y matamlay
Kahit sa bulag at pilay
Magbibigay kulay


“buhay senior”



Kapag ikaw ay isang “junior student” o isang “third year student” ay nasasabik ka pa na maging isang “senior”.  Nang ako’y nagging isang “fourth year student” ay sabik na sabik ako dahil sa papalapit na ang pagtungtong sa kolehiyo. Ngunit nang dumating na ang buwan ng Enero at Pebrero ay hindi ko na alam kung matutuwa pako dahil sa tambak-tambak na gawaing ibinibigay ng mga guro sa mga estudyante na halos natatranta na sa paggawa at pagpasa ng mga proyekto, takdang-aralin, pagsipi ng mga asignatura at kung ano pa. Dahil dito natuto ang mga mag-aaral na gumamit ng “planner” dahil sa tambak ang mga Gawain at ang mga araw ng pasahan ay sabay-sabay kaya ditto nila sinusulat ang mga mahahalagang araw at gawaing dapat tapusin. Natuto ding magsakripisyo ng mga araw na dapat ay kanilang pahinga o pamamasyal. Kahit na sobrang hirap maging senior ay matutuwa ka din sa huli dahil nagagawa mo na ang mga abgay na hinid mo nagagawa noon. Dahil dito maari nang kaharapin ang bagon yugto. Ang kolehiyo. Pero hinding hindi kakalimutan ng isang estudyante ang kanyang “highschool life” lalo na ang fourth year life. 

“REPORTing”


Kapag ikaw ay isa nang mag-aaral hindi mo maiiwasan ang mga ganitong aktibidad, ang pag-uulat sa klase na ikaw lamang mag-isa.
Maraming mag-aaral ang ayaw na ayaw gawin ang ganitong mga bagay sapagkat wala daw silang lakas ng luob para humarap at magsalita sa mga tao dahil sa kanilang palagay ay mahina sila dito.
Maghahanda ka ng mga “visual aids” o ano mang material na mas lalong magpapaganda sa iyong pag-uulat at magbibigay buhay sa tatalakayin nyo ngayong araw.  Ano naman kung ikaw ay mag-uulat sa klase hindi ba kaygandang karanasan iyon? Kung sa una ay mangangatog-ngatog ang iyong mga tuhod at mamumutla dahil sa titig ng iyong mga kamag-aral sa susunod mong pag-uulat ay matututo ka na dahil alam mo na ang mararanasan mo at magiging sanay ka din ditto dahil sa pagdating ng kolehiyo ay kinakailangan mo ang pagkakaroon ng “self-confidence” o tiwala sa sarili. Para kang nag-uulat sa klase at kinakailanagan makisalamuha sa iba’t-ibang tao. Kaya ano ang ikakatakot mo sa pag-uulat?