Mga Pahina

Linggo, Abril 1, 2012

Ang lapis at ang krayola (dioselle teng)




Ang lapis at krayola
Mga gamit mo sa silula
Hanggang pagtanda,
Iyong dala dala

Mula sa lapis at krayola
Makakagawa ng himala
Simpleng papel magagawan ng hiwaga
Sa lapis at krayola doon magmumula

Ang lapis na iyong panulat
Na ginagamit ng lahat
Na kahit ang salat
Ay makakagamit upang sumulat

Ang mga krayolang makukulay
Na siya mismong nagbibigay kulay
Sa mga larawang walang buhay
Nagbibigay kulay rin pati sa patay

Dalawang maliit na bagay
Na kung wala, ang mundo’y matamlay
Kahit sa bulag at pilay
Magbibigay kulay


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento