Kapag ikaw ay isa
nang mag-aaral hindi mo maiiwasan ang mga ganitong aktibidad, ang pag-uulat sa
klase na ikaw lamang mag-isa.
Maraming
mag-aaral ang ayaw na ayaw gawin ang ganitong mga bagay sapagkat wala daw
silang lakas ng luob para humarap at magsalita sa mga tao dahil sa kanilang
palagay ay mahina sila dito.
Maghahanda ka ng
mga “visual aids” o ano mang material na mas lalong magpapaganda sa iyong
pag-uulat at magbibigay buhay sa tatalakayin nyo ngayong araw. Ano naman kung ikaw ay mag-uulat sa klase
hindi ba kaygandang karanasan iyon? Kung sa una ay mangangatog-ngatog ang iyong
mga tuhod at mamumutla dahil sa titig ng iyong mga kamag-aral sa susunod mong
pag-uulat ay matututo ka na dahil alam mo na ang mararanasan mo at magiging
sanay ka din ditto dahil sa pagdating ng kolehiyo ay kinakailangan mo ang
pagkakaroon ng “self-confidence” o tiwala sa sarili. Para
kang nag-uulat sa klase at kinakailanagan makisalamuha sa iba’t-ibang tao. Kaya
ano ang ikakatakot mo sa pag-uulat?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento