Mga Pahina

Linggo, Abril 1, 2012

(Maikling kwento) : First and Last


Sabi nila ang buwan ng Pebrero ay buwan ng mga puso. Paano nga natin masasabi na buwan ito ng mga puso? Dahil ang Buwan ng mga Puso ay ipinagdiriwang tuwing ika-14 ng Pebrero ito ay kung saan isa sa mga gawain ng mga magkasintahan ay namamasyal o umaalis sa kani-kanilang bahay Masasabi din natin na buwan ito ng mga taong malapit na ding magkatuluyan at hindi ito para sa mga taong kuripot.

May isa akong mag-aaral na sobrang nakakakilig ang kanilang istorya pangalanan nating si Budoy at Buday (iyan na din ang tawagan nila sa klase). Ayon sa ilan sa kanilang mga kaibigan ay ay first love daw ni Buday ay si Budoy pero nang magkalaunan ay medyo lumabo at nagkaroon ng iba, at nagkaroon din ng iba si Budoy. Napaka- babaero daw nitong si Budoy ayon sa iba. Pero sabi naman ng mga lalaki kahit maglaway man daw sila sa ibang babae iisa lang naman ang babaeng seseryosohin nila. Ayon na din ang sinabi ni budoy. Nang makatuntong sila sa mataas na paaralan iba’t – ibang tao ang kanilang nakasalamuha. Iba’t ibang pag-ibig ang dumating nang sila’y malapit nang magtapos ay nagging magkasintahan ang dalwa pero bago sila maging magkasintahan itong si budoy ay dumaan sa mahabang proseso para suyuin ulit itong si buday na pakipot. Nang naging magkaklase ang dalawa ay hindi na maipigilan ni budoy na may pagtatangi pa rin sya kay buday kaya agad-agad nyang sinabi iyon peros a harapan ng klase nya sinabi at halos di magkahumayaw ang mga mag-aaral sabunutan doon, sampalan at tulakan dito. At agad na nakuha ni budoy ang pagpayag ni Buday na ligawan sya. Nang tumagal tagal na ay naisipan ni Budoy na surpresahin si Buday kinuntsaba pa nya an gaming guro. Kunwari ay pagagalitan ng aming guro sina Buday dahil hindi sila nakapagpasa ng proyekto at pinalabas sila sa klase at duon na nagsimula ang lahat . Pinaupo sila Buday sa gitna ng nakapiring ang mata at sabay pinatanggal ito unang bumungad sa kanya ang aming mga kamag-aral na mga lalaking may hawak ng lobo at nakasulat ang bawat titik na –I-L-O-V-E-Y-O- at huling nag salita si budoy ng “U” nagtalunan na naman nag mga babae at halos sila pa yung kinikilig . Iniabot ni budoy ang bulaklak kay buday at ang sabi niya “Hindi naman ako nagmamadali eh ayos na sakin ng 6 na buwan—hindi pala *pabulong* basta alam mo naming mahal kita eh” sak inabot ang Cake at pumunta sa harapan at binasa ang mga banat nya kay Buday. ISang linyang hindi ko makalimutan ang “ MANI KABA? – pero hindi alam ni budoy ang sunod.

Ang istorya ng dalawa ay patuloy na sinusubaybayan ng buong klase hanggang sa maging sila at sanay sila na nga hanggang pagtanda. Totoo nga daw ang “First and Last”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento