Kapag ikaw ay
isang “junior student” o isang “third year student” ay nasasabik ka pa na
maging isang “senior”. Nang ako’y
nagging isang “fourth year student” ay sabik na sabik ako dahil sa papalapit na
ang pagtungtong sa kolehiyo. Ngunit nang dumating na ang buwan ng Enero at
Pebrero ay hindi ko na alam kung matutuwa pako dahil sa tambak-tambak na
gawaing ibinibigay ng mga guro sa mga estudyante na halos natatranta na sa
paggawa at pagpasa ng mga proyekto, takdang-aralin, pagsipi ng mga asignatura
at kung ano pa. Dahil dito natuto ang mga mag-aaral na gumamit ng “planner”
dahil sa tambak ang mga Gawain at ang mga araw ng pasahan ay sabay-sabay kaya
ditto nila sinusulat ang mga mahahalagang araw at gawaing dapat tapusin. Natuto
ding magsakripisyo ng mga araw na dapat ay kanilang pahinga o pamamasyal. Kahit
na sobrang hirap maging senior ay matutuwa ka din sa huli dahil nagagawa mo na
ang mga abgay na hinid mo nagagawa noon. Dahil dito maari nang kaharapin ang
bagon yugto. Ang kolehiyo. Pero hinding hindi kakalimutan ng isang estudyante
ang kanyang “highschool life” lalo na ang fourth year life.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento