Mga Pahina

Lunes, Nobyembre 12, 2012

Ang FILIPINO ay nahahati sa dalawang bahagi: Panitikan at Wika.

PANITIKAN – 

Ang Panitikan (Literature) ay may layuning makapag-iwan ng gintong aral o mensahe matapos itong mabasa ng isang taong mambabasa. Isang mensaheng pupukaw sa damdamin, kaisipan at Gawain ng isang taong bumabasa ng akda, na ang mensaheng ito’y magsisilbing gabay tungo sa pag-unlad, pagpapabuti, pagbabagong – buhay o pag-unawa sa tama at mali.
Ito ang mga maikling kwento, alamat, pabula, parabola, anekdota, sanaysay, tula tugma, talumpati, talambuhay, nobela, mitolohiya, at iba pang akda na nasusulat sa ating sariling wika. Ang mga akdang ito ay maaaring batay o hango sa ating kasaysayan, kabihasnan, tradisyon o kaugalian, kalikasan o kapaligiran at ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyang panahon. 


WIKA – 
Ito ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na inaayos sa paraang arbitraryo 

 Layunin ng guro na maging mahusay ang mga mag-aaral sa pakikipagtalastasan hindi lamang sa pagsasalita, gayundin sa pagsulat. Sinisikap na makabuo ang mga tinuturuan ng mga makabuluhang pangungusap, talata, dayalogo o usapan, panawagan, patalastas, iba’t ibang uri ng liham, balita, anunsiyo, editorial, kwento, tula, tugma, sanaysay at talumpati.

Huwebes, Mayo 31, 2012

Miyerkules, Mayo 23, 2012

Ano nga ba ang course ko??


Yan ang laging tanong ng mga estudyante bago o pagkatapos grumaduate.
Kahit ako namimile kung ano nga ba ang magandang course , madami kasi akong gustong course tulad ng
-archirtecture (kaso kakaunti na lang ang mga kumukuha ng course na yan.... tapos karamihan sa mga estudyante ay puyat kakadrawing ng mga bahay ,ng mga plates etc.. pero kasi pangarap kong idesign yung bahay namin kaya naisip kong magagawa ko naman yun kapag naging success nako tsaka kahit di ko na pag.aralan yun kasi magdedesign lang naman eh hindi magkacalculate ng eklabuu :P )

-information technology  (Dahil sa modern na ang mundo natin today syempre indemand nagyon toh kaso naisip ko naman dumadami nadin ang kumukuha neto tsaka di ako pwede ng masyadong maexpose sa radiation XD sa computer dahil sa mata ko at sumasakit agad ang ulo ko pero may advantage nako sa computer dahil sa school namin ay tinuturo na ang mga turbo C. HTML, at Visual basic at ang 1stqtr-4th qtr ay pinagaaralan na ng 1styr college - 4thyr. kaya may advantage nakami..  kaso mabagal ako magisip pag  sa logic :P )


-Civil Engineer (wow haha! engineer. hmmm kasi dati pangarap kong tawagin nang ganyan..believe it or not pero totoo haha!! kaso nung nalaman kong math! ooh em! ayoko na lang no thanks.. tska karamihan sa mga kamag anak ko ay engr. at architect yung iba sa bahay lang yung iba sa ibang bansa na )


-Chemical Engineer (ay! :") haha! kasi naman trip ko ang chemistry at ang cool ng subject na yun kasi nakabisado ko talaga ang periodic table at enjoy ako sa pagkakacalculate ng mga chemical symbols tapos enjoy pa s paghahalo kaso syempre wala akong balak maging chemist! di ko din trip yung magiging work nya kaya wag na lang kahit mataas grades ko sa chemistry XD)


-Business Management major in financial (ayon magandang ang business course kasi sabi nila kahit saan pwede kang mag.apply at pwede kang maging manager .. ah oo maganda nga yan kaso anong work kapang financial? sa banko daw .. hala sige nakakatakot naman ngayon daming nanghoholdap para dyan )

-Business Management major in marketing (Ginusto ko lang dito ay yung sa pag aadvertise eh kasi mahilig ako sa arts kaya baka makatulong ako sa pagaadvertise or something pero hinid pala ako para dito tska dapat madaldal ka at magaling manghikayat ng tao kaso hindi ako ganun )

-Business Management major in Human resource (Magandang course din daw ito kasi kapag taga interview kalang ng lahat ng magiging empleyado ng kumpanya nyo.. nakaupo ka lang o di kaya ay palakadlakad syempre kelangan magaling ka mag-english pinag-aaralan naman yan, at advantage mo na din yan kapag nakapasok ka kasi kahit ikaw pwede mong ipasok ang mga kamag anak mo ohh see? :) ikaw lahat mag iinterview ng mga employees malay mo magkita kita kayo ng mga dati mong classmate saya nun reunion XD lols )

-Accountancy (sabi nila kasi maganda tong course nato kahit saan kasi may accountanct ..hindi ka mawawalan ng work dito. Pero sabi ko ayoko ng math eh- pero sabi nila basic math lang to.. ahh okay haha!! tapos puro theory lang daw at word problems.. WORD PROBLEMS :O galit panaman kami ni word problem  )


Sa dinami dami ng course na gusto ko ay nauwi ako sa course na accountancy . Accounting kasi ang mama ko kaya pwede nya akong maturuan kapag nahihirapan ako.. Isa itong challenge sakin dahil di na biro maging isang accounting .. incoming -1st yr college ako sa adamson university of the philippines at nakausap namin yung dean dapat hindi daw bababa ng 2.5 ang grades if ever bumaba students are required to choose another course or take the subject again ..kaya napalunok ako ng laway ng marinig ko yun.. ang sched ko walang pahinga ..naghahanap ako ng recess pero wala haha! lunch lang tas 30 mins lang? :( pero keri pa naman yun .. hayyyyyy  ..... bawas daw muna ang pagtetext at pag ffacebook dahil makakain nito ang time ko . Sana makeri ko ang  pagiging accounting student kasi gusto din ng mama ko maging isang CPA ako :D

KUNG KAYO WALA PANG MAISIP NA COURSE :
isipin nyo to
- ano bang hilig mo?
-ano ba ang gusto mong work in the future
- magiging masaya ka ba? or eenjoyin mo dapat  ang  course mo
-may tiwala ka sa sarili mo kkung gusto mo talaga ang course na yun

---is there any question? ask me :)

Sanhi ng kahirapan gobyerno o tayo? -A.M


Kahirapan ang isa sa mga mabibibgat ng problema ng ating bansa. Madalas nating sisihin ang pamamalakad ng mga pinuno ng bansa, pero sino nga ba ang may sanhi? Gobyerno ba o tayo? Sabi nga nila ay “Katamaran ay katumbas ng kahirapan”, tama iyon. Para sa akin ay tayo at ang gobyerno ang may kasalanan. Kaya naman naghihirap ang mga mamamayan ay dahil tamad sila, ito ang pinakadahilan ng kahirapan sa ating bansa. Sinasabi nila na wla silang trabaho, ngunit maraming nakalaan na
trabaho, mapili lng ang mga Pilipino. Pero hindi ng nmn tayo ang may kasalanan, pati na rin ang gobyerno.Dahil binubulsa nila ang mga pondo na natatanggap nila. Ang mga pondo ay para sa pagpapaunlad ng mga mahihirap at hindi para sa kanilang pansariling interes. Sapat ang sweldo ng ating mga pinuno, ang totooay sobra sobra pa ito para bumuhay ng isang pamilya, pero patuloy pa rin sila sa maling gawain. Sipag, tiyaga at serbisyong totoo ang kailangan para umunlad ang ating bansa.

 Ngunit hindi dapat tayo mawalan ng pag-asa, madaming solusyon para malagpasan natin ang krisis. Kailangan lang natin ng sipag at tiyaga. At dapat ang gobyerno ay magbigay ng serbisyong totoo upang magbigyan ng trabaho ang mga walang trabaho para mabigyan nila ang kanilang pamilya sa kanilang mga pangangailangan.
Tulad ng sabi sa sanaysay, dapat tayong magtipid sa mga bagay bagay. Tama ito dahil kung magtitipid tayo, hindi agad agad mauubos ang mga pera ng mga pamilya. Dapat ay magisip muna tayo kung ano-ano ang mga ginagastos natin para maiwasan ang krisis. Lahat ng problema ay mabibigyan natin ng solusyon. Kailangan lng nating magkaisa para magtulong-tulong para umunlad ang ating bansa.


   Nabasa ko itong sanaysay na patungkol sa krisis. Ayon pa lamang sa pamagat, magkakaroon agad tayo ng ideya kung saan ito patungkol. Sa kasalukuyan ngayon, bahagi tayo ng krisis pinansyal. Nagtataasang presyo, kawalan ng trabaho, bumababang halaga ng pera, kriminalidad - ito ang mga dahilan kung bakit tayo nagdudusa sa krisis.
Ayon sa pamagat, sinasabi na ang krisis ay di biro. Hinding –hindi talaga biro ito, hindi dapat natin palalain ang krisis dahil maraming pamilya ngayon ay di na makakain ng pagkain na sapat na sustansya dahil sa kakulangan ng pera. Pano na ang mga kabataan ngayon? Paano sila lalaki ng maayos?

SA ATING MULING PAGKIKITA


Bilang isang mag-aaral sa ika-apat na baitang sa mataas na paaralan sa St. Mary’s Academy of caloocan City ay isa sa mahirap at magpaghamon na taon. Dito mararanasan ang magiging buhay sa kolehiyo : mahirap, nakakapagod , nakaka-iyak, seryoso at halo-halong emosyon ang mararamdaman dito.
   Para mo nang nararanasan ang buhay sa labas ng paaralan , ang totoong buhay at dahil dito ay natututo kaming makibagay sa aming kapaligiran salamat sa CWTP – isang programa o aktibidad na dapat makagawa ng serbisyo sa simbahan, pamayanan at kapwa. Dito kami natuto makipagkapwa tao , makihalubilo sa iba at maging maalalahanin sa kalikasan.
   Sa mga paligsahan na aming sinalihan , wala man sa aming hilig ay aming sinalihan sapagkat sabi nga nila’y minsan lang ito sa aming buhay . Ang mga “culminating activity” na aming nasaksihan sa madaming panahon ay hindi naming malilimutan , hahanap-hanapin namin sa aming pag-alis sa aming eskwelahan.
  Ang mga “club” na aming sinalihan ,ang mga bagay-bagay na aming natutunan dito ay aming  dadalhin sa aming pag-alis. Ang mga nagpasakit ng aming mga ulo , ang paggawa ng mga proyekto na umaabot ng ilang araw para matapos lang ito , nakikitulog sa bahay ng kamag- aral , nakikikain sa ibang bahay dahil sa patong-patong/ tambak-tambak na gawain . Isa din ito sa  naging dahilan ng pag “half-day” ng ibang estudyante dahil sa “defense ” na nagpapatayo ng balahibo naming mga estudyante. Hinding hindi naming makakalimutan ito dahil sa  pag-iyak ng mga estudyante dahil sa mga mababaet na  “panelist” na kulang nalang ay takutin kami ng husto sa aming pagkakamali at piping mga labi.
   Sa huling page-exam na ay hindi parin tapos ang lahat may mga dapat parin kaming ipasa at punuin. Ang mga “requirements ng bawat subject” at ang paggawa ng graduation letter. Ito na nga ang pinakamalungkot na sandali sa aming pagigigng “highschool student” , An gaming mga pinagsamahan , nakakaiyak at masayang karanasan sa labas at luob ng paaralan at mabuting samahan ng mga guro at mag-aaral. Kaya sa aming pag-alis asahan ninyo na kami’y magtatagumpay sa aming mga hanggarin, ang inyong mga naituro’y aming magagamit at hindi kakalimutan dahil nandito lang sa aming puso ang lahat ng bagay na nagpasaya sa amin. Hangang sa muling pagkikita!

ANG DALAWANG MUKHA NG PAG-IBIG -maikling kwento ( ni Joanna calayag)


May isang estudyanteng nagngangalang Edmond isa syang mataba, matangkad at kagiliw-giliw na estudyante hindi sya kaguwapuhan pero sya ay pinagkakaguluhan ng mga kababaihan sa eskwelahan. Halos lahat ng kalalakihan ay nagtataka kung bakit ganoon na laman ang atraksyon nya sa mga kababaihan. Isang araw nasubukan ang katapan niya kay Aloida ang kanyang kasintahan . Si Aloida ay isang bungangerang babae, matalino ito at maganda ngunit sa kabila ng kanyang pagkabungangera ay mapagmahal ito at maalaga kaya minahal ito ni Edmond. Usap-usapan sa kanilang eskwelahan ang pambabae nito ni Edmond dahil nga sa malakas ang hatak nya sa mga kababaihan ay hindi niya maiwasan matukso . Isang araw ay nagselos si Aloida sa kanya at kinalmot , sinabunutan at hinampas-hampas niya ito ng libro, sa sobrang ines ni Edmond ay nilayasan niya ito at umakyat sa kanilang klase sa pisika. Kinabukasan ay nakipag hiwalay na si Aloida kay Edmond dahil sa nalaman nya na may isang babaeng napapalapit kay Edmond , siya ay si Beatrice. Maganda , matalino at mayaman ang babaeng ito, gustong gusto nya si Edmond. Pero ano nga ba ang meron kay Edmond na wala ang iba? Kinabukasan ay may bago nang nililigawan si Edmond , hindi maalis sa kanilang dalawa ang mata ng mga kapwa nila estudyante. Habang sila ay naglalambingan ayang kanyang dating kasintahan na si Aloida ay kasalukuyang umiiyak at ang tanging sinasandalan ay ang kanyang mga kaibigan. Awang-awa ang kanyang mga kamag-aral sa kanyang sinapit dahil minahal nga niya ang ito ng lubusan tapos kinabukasan ay may pinalit na agad sa kanya. Pero di naglaon ay nalaman din ang totoo nilang nararamdaman sa isa’t- isa. Si Edmond pala ay may pagtinging parin kay Aloida , ni kahit isang tibok ay walang naramdaman para kay Beatrice. Sobrang paghihinagpis at lungkot ang naramdaman ni Beatrice  ,yun pala ay pera lang ang habol ni Edmond sa kanya dahil sobrang lungkot at kelangan ng masasandalan ay nandiyan si Beatrice kung baga ay nagging “panakip- butas lamang” siya .

*Aral na matututunan
:  Kahit maraming pagsubok ang inyong kaharapin sa buhay  ay mananatili parin kayong may pagmamahal sa bawat isa.
: Kahit ano at sino pa ang iyong sinisinta o minamahal matuto kang magpasalamat at mayroong taong nagmamahal sayo ng lubusan hindi ka man nya kayang  suportahan ng pangpinansyal ay maipapakita naman nya ito sa pamamagitan ng emosyonal na paraan.

Mga di malilimutang salita sa HIGHSCHOOL



  1. Pengeng Papel! (kahit may papel ka ay manghihingi ka parin sa iba dahil sa tinitipid mo din ang paggamit nito)
  2. Pengeng pulbos! … maputi?  (Ang pulbos ng bayan! na halos buong klase na ang nakagamit nito at ilang araw lang ay ubos na)
  3. May salamin ka? (Bakit nga ba ang hilig manalamin ng mga estudyante?..ahh basta )
  4. May extra ballpen ka? Yung g-tech ah?! (Aba.. mangheheram na nga lang kelangan g-tech? ayaw ng HBW o kaya panda? Ang choosy! )
  5.  “Taba! ; Mata! ; Chickboy! ; impakto! “ (Mga tawagan ninyo sa klase na kulang na lang ay yurakan ang kanilang pagkatao)
  6. “HI miss!!” (Dito magalaing ang mga estudyante ang pangchichismis sa mga guro para lang hindi makapaturo at di namamalayan na limang minuto na lang ay mag be-bell na)
  7. “Turuan moko mamaya ah?” (Dito magalaing ang mga masisipag mag review
  8. Kinabukasan puro ganito ang maririnig mo kapag malapit na mag-exam)

Biyernes, Mayo 18, 2012

Ideal Partner


Sa Mundo Ngayon Wala nang perpekto ... tangaap ko yun *char!
Haayy mahirap na nga daw ang buhay, being single is the best *yeah right!* pero ano naman ngayon? haha!
once na tumibok yan sorry na alng :P pero ano , saan, at kelan??
.
.
.
uhm.. madaming way ..madaming gusto :
-siguro saken maganda na sweet na yung makikita mong genlteman sya sayo.. diba? lahat naman siguro gusto yun , for example sya yung magdadala ng bitbitin mo.., or kapag tatawid or sasakay or uupo ladies first <3 diba ang sweet haha!! :P
-o kaya yung isusurprise ka nya .. yung sobrang matutuwa ka kasi feeling mo ang ganda mo :')
yung kaya nyang pagsigawan sa mundong mahal na mahal ka nya *wow* haha
yung hindi ka nya ikakahiya mas maganda panga kung ipapakilala ka nya sa  parents nya.. pati na din sa parents nung gf nya diba? unfair naman kung isang side lang ..
- Yung tipong aantayin ka nya matulog, kumain bago sya mauna. yung gusto nya ikaw mauna parang sacrifice (*yes naman! wala ng ganun sa earth teh! )
- Yung kahit ikaw yung may kasalanan sya yung magsosorry para magka ayos kayo.
- Yung syempre may tiwala siya sayo at sobra pero sobrang magselos? ayos lang un HAHA!! cute nga eh :P


kapag single ang isang babae laging nangangarap yan na magkaron ng partner o loner

kung ako magkakaron???
syempre nbsb ka eh edi yung
mabait , yung sya yung magbibitbit ng gamit mi kahit magaan lang or kung mabigat man dadalin nya parin kahit super bigat na bigat sya kasi gusto ko ganun eh bat ba? haha! , yung may super care sya sayo di nya hahayaang may kasama kang iba or yung ikaw lang mag isa aalis , ayoko yung paligoyligoy pa gusto gawin nya hindi yung hihintayin pa yung babae ang mahsani ir magsuggest kaya nga daw manhid tlga ang boys :p then syempre if in relationship i want it to be legal , para may trust yung family specially parents . gusto ko yung proud na proud ipakilala ako sa parents an family nya mas maganda kung mauuna sya diba? panget daw kasi mauna ang babae magpakilala accrdg to my friend :) . tapos yung kaya nyang isacrofice yung time nya para sakin :) pero syempre priority parin ang studies . yung kayang gawin ang lahat ng walang kapalit walang sumbatan , yung sweet , yung di ako kayang mutahin at saktan , yung guardian angel mo sya na laging anjan para sayo :') taga hatid if ever na di nya kaya maghahanap na lang ako ng iba tapos ang mga lalaki seloso :) hayyyyy pero kung di nya kaya wag mag selos kasi baka may ibang tao jan na mas may time magoffer ng kanilang oras at makipagbondong with me :)) true friends ang tawag dun,, ayoko nun ako lagi ungnumiintindi kasi parang ampangit tignan , ayoko nung mas bossy pa sya kesa sakin :) gusto ko.. humble,

Miyerkules, Mayo 2, 2012

Salamat sa inyo (tula)

ni joanna calayag



Sila ang ating pangalawang magulang
Nagtuturo satin ng mabuting asal
Eskwelahan ay hindi nila iniwan
Makapagbigay lang ng bagong kaalaman


Kahit sweldo’y di sapat
Makapagturo lang sa lahat
Makakahinga na ng maluwat
Kahit Estudyante  ay pasaway

O’ kapwa ko mag-aaral
Tayo’y magbigay pugay
Sa mga gurong nagging parte ng ating buhay
Dahil patuloy nila tayong ginagabayan.

Di man tayo nagmula sa kanilang sinapupunan
O Maging sa kinalang dugo’t laman
Hindi nila tayo tinuturing iba man
Dahil sa kanila’y tayo’y kapamilyang tunay


O’ aming gurong minamahal
Lubos kaming nagpapasalamat
At kami’y inyong ginabayan
Sa mahabang taon nating pinagsamahan

Kaya sa aming pag-akyat ng entablado
Medalya’t diploma naming handog sa inyo
Mga pinaghirapan at pinagsumikapan nami’y inspirasyon kayo
Hangan paglaki’y dala-dala naming ito.

Kaya sa aming pagkokolehiyo
Kayo’y aming ipagmamalaki hangang dulo
Dahil nagkaron kami ng gurong tulad nyo
Na mapagamahal,maalalahanin at napakatotoo.

Sa huli nating pagkikita
Sana’y walang kalimutan hanging pagtanda
Pumuti man ang uwak , kayo’t kayo pa rin
Gurong  naging inspirasyon ng aming buhay.

Linggo, Abril 1, 2012

(Maikling kwento) : First and Last


Sabi nila ang buwan ng Pebrero ay buwan ng mga puso. Paano nga natin masasabi na buwan ito ng mga puso? Dahil ang Buwan ng mga Puso ay ipinagdiriwang tuwing ika-14 ng Pebrero ito ay kung saan isa sa mga gawain ng mga magkasintahan ay namamasyal o umaalis sa kani-kanilang bahay Masasabi din natin na buwan ito ng mga taong malapit na ding magkatuluyan at hindi ito para sa mga taong kuripot.

May isa akong mag-aaral na sobrang nakakakilig ang kanilang istorya pangalanan nating si Budoy at Buday (iyan na din ang tawagan nila sa klase). Ayon sa ilan sa kanilang mga kaibigan ay ay first love daw ni Buday ay si Budoy pero nang magkalaunan ay medyo lumabo at nagkaroon ng iba, at nagkaroon din ng iba si Budoy. Napaka- babaero daw nitong si Budoy ayon sa iba. Pero sabi naman ng mga lalaki kahit maglaway man daw sila sa ibang babae iisa lang naman ang babaeng seseryosohin nila. Ayon na din ang sinabi ni budoy. Nang makatuntong sila sa mataas na paaralan iba’t – ibang tao ang kanilang nakasalamuha. Iba’t ibang pag-ibig ang dumating nang sila’y malapit nang magtapos ay nagging magkasintahan ang dalwa pero bago sila maging magkasintahan itong si budoy ay dumaan sa mahabang proseso para suyuin ulit itong si buday na pakipot. Nang naging magkaklase ang dalawa ay hindi na maipigilan ni budoy na may pagtatangi pa rin sya kay buday kaya agad-agad nyang sinabi iyon peros a harapan ng klase nya sinabi at halos di magkahumayaw ang mga mag-aaral sabunutan doon, sampalan at tulakan dito. At agad na nakuha ni budoy ang pagpayag ni Buday na ligawan sya. Nang tumagal tagal na ay naisipan ni Budoy na surpresahin si Buday kinuntsaba pa nya an gaming guro. Kunwari ay pagagalitan ng aming guro sina Buday dahil hindi sila nakapagpasa ng proyekto at pinalabas sila sa klase at duon na nagsimula ang lahat . Pinaupo sila Buday sa gitna ng nakapiring ang mata at sabay pinatanggal ito unang bumungad sa kanya ang aming mga kamag-aral na mga lalaking may hawak ng lobo at nakasulat ang bawat titik na –I-L-O-V-E-Y-O- at huling nag salita si budoy ng “U” nagtalunan na naman nag mga babae at halos sila pa yung kinikilig . Iniabot ni budoy ang bulaklak kay buday at ang sabi niya “Hindi naman ako nagmamadali eh ayos na sakin ng 6 na buwan—hindi pala *pabulong* basta alam mo naming mahal kita eh” sak inabot ang Cake at pumunta sa harapan at binasa ang mga banat nya kay Buday. ISang linyang hindi ko makalimutan ang “ MANI KABA? – pero hindi alam ni budoy ang sunod.

Ang istorya ng dalawa ay patuloy na sinusubaybayan ng buong klase hanggang sa maging sila at sanay sila na nga hanggang pagtanda. Totoo nga daw ang “First and Last”

Ipagtanggol mo Bayan mo



Luzon, Visayas, Mindanao
Tatlong pulong kay gandang matanaw
Pinapaligiran ng karagatan
Ang perlas ng silanganan

Kay daming yaman ang naririto
Ngunit iilang lang ang may alam nito
Kung sino pa ang nakakalam
Sila pa ang nangwawasak dito

Kaydaming dayuhan ang pumasok
Karamihan gustong manghimasok
Dahil kay dami nating isla
At lahat sila’y gusting makitira

Ayan tuloy ako’y nag-aalala
Mga mananakop kayamanan ang punterya
Kaya pati inosenteng Pilipino’t Pilipina
Inaalipin o pinapatay sa ating bansa

Ngunit di nagtagal kami’y nakalaya
Mga Pilipino’y natauhan!
Salamat sa mga bayaning nakipaglaban
Ngayon ito’y amin ipagtatanggol sa lahat ng kaaway.

Ang lapis at ang krayola (dioselle teng)




Ang lapis at krayola
Mga gamit mo sa silula
Hanggang pagtanda,
Iyong dala dala

Mula sa lapis at krayola
Makakagawa ng himala
Simpleng papel magagawan ng hiwaga
Sa lapis at krayola doon magmumula

Ang lapis na iyong panulat
Na ginagamit ng lahat
Na kahit ang salat
Ay makakagamit upang sumulat

Ang mga krayolang makukulay
Na siya mismong nagbibigay kulay
Sa mga larawang walang buhay
Nagbibigay kulay rin pati sa patay

Dalawang maliit na bagay
Na kung wala, ang mundo’y matamlay
Kahit sa bulag at pilay
Magbibigay kulay


“buhay senior”



Kapag ikaw ay isang “junior student” o isang “third year student” ay nasasabik ka pa na maging isang “senior”.  Nang ako’y nagging isang “fourth year student” ay sabik na sabik ako dahil sa papalapit na ang pagtungtong sa kolehiyo. Ngunit nang dumating na ang buwan ng Enero at Pebrero ay hindi ko na alam kung matutuwa pako dahil sa tambak-tambak na gawaing ibinibigay ng mga guro sa mga estudyante na halos natatranta na sa paggawa at pagpasa ng mga proyekto, takdang-aralin, pagsipi ng mga asignatura at kung ano pa. Dahil dito natuto ang mga mag-aaral na gumamit ng “planner” dahil sa tambak ang mga Gawain at ang mga araw ng pasahan ay sabay-sabay kaya ditto nila sinusulat ang mga mahahalagang araw at gawaing dapat tapusin. Natuto ding magsakripisyo ng mga araw na dapat ay kanilang pahinga o pamamasyal. Kahit na sobrang hirap maging senior ay matutuwa ka din sa huli dahil nagagawa mo na ang mga abgay na hinid mo nagagawa noon. Dahil dito maari nang kaharapin ang bagon yugto. Ang kolehiyo. Pero hinding hindi kakalimutan ng isang estudyante ang kanyang “highschool life” lalo na ang fourth year life. 

“REPORTing”


Kapag ikaw ay isa nang mag-aaral hindi mo maiiwasan ang mga ganitong aktibidad, ang pag-uulat sa klase na ikaw lamang mag-isa.
Maraming mag-aaral ang ayaw na ayaw gawin ang ganitong mga bagay sapagkat wala daw silang lakas ng luob para humarap at magsalita sa mga tao dahil sa kanilang palagay ay mahina sila dito.
Maghahanda ka ng mga “visual aids” o ano mang material na mas lalong magpapaganda sa iyong pag-uulat at magbibigay buhay sa tatalakayin nyo ngayong araw.  Ano naman kung ikaw ay mag-uulat sa klase hindi ba kaygandang karanasan iyon? Kung sa una ay mangangatog-ngatog ang iyong mga tuhod at mamumutla dahil sa titig ng iyong mga kamag-aral sa susunod mong pag-uulat ay matututo ka na dahil alam mo na ang mararanasan mo at magiging sanay ka din ditto dahil sa pagdating ng kolehiyo ay kinakailangan mo ang pagkakaroon ng “self-confidence” o tiwala sa sarili. Para kang nag-uulat sa klase at kinakailanagan makisalamuha sa iba’t-ibang tao. Kaya ano ang ikakatakot mo sa pag-uulat? 

Lunes, Enero 9, 2012

"Ang pagmamahal"

--by joanna Calayag


Ang pagmamahal ay hindi nakikita
Sa simpleng halik lamang
Kundi sa damdamin ng taong
nagmamahal ng tapat at lubusan

May damdamin ang bawat tao
Na nararamdaman ng kapwa tao
Ito’y nakikita at nararamdaman
Naiisip at nasasaksihan

Mayroon tayonh iba’t-ibang istilo
Pa gang nagmahal ay tao
Nariyan ang pagdama sa damdamin
At paggamit ng isipan

Ngunit di natin alam
Mahal na nila tayo
Dahil di natin pinapansin
Ang pagpapahayag ng kanilang damdamin

Tayo ba ay aasa
Sa taong mahal natin
Ngunit di tayo kayang mahalin?
Bakit di sa taong mahal mo, mahal ka rin?

Ang pagmamahal ng iba
Sana makita habang anriyan pa
Dahil pag ito’y nawala…
Paano ka na?